ITINANGGI ng abogado ng isang prosecutor na nasangkot sa sex video scandal na kanyang kliyente ang nasa nasabing iskandalo.
Ayon kay Modesto Ticam Jr., abogado ng nasabing QC prosecutor. Hindi kliyente niya ang nakita sa video at malinis aniya ang konsiyensiya nito at inosente sa naturang alegasyon.
Gayunman hindi naman sumipot sa isinagawang preliminary investigation ng korte ang naturang QC prosecutor kaugnay sa reklamong isinampa laban sa kanya ng kanyang asawa.
Sa pagtatanong ng prosekusyon sa abogado , bakit aniya hindi man lang tumanggi ang prosecutor na siya nga ang nakita sa sex video at sa halip ay siya ang tumatanggi (Ticam).
Ang nasabing kaso ng sex video scandal case ay hawak na ng DOJ matapos mag-inhibit ang QC prosecutor’s office para maimbestigahan ang reklamo kung saan ang babaeng itinurong sangkot sa iskandalo ay abogado umano ng Public Assistance Office sa QC Hall of Justice.
Nakiusap naman si General Prosecutor Claro Arellano sa magkabilang kampo na gawing confidential ang kaso dahil hiniling ng magkabilang kampo sa media na huwag ibulgar sa publiko ang pagkatao ng magkabilang partido.
Nanindigan naman ang nagrereklamo asawa ng prosecutor na ang kanyang asawa ang napanood niya sa sex video matapos niyang malanan na itinatanggi ng depensa na kanilang kliyente ang nasa nasabing sex video.
Ayon sa ginang , nagtataka siya kung bakit siya kinasuhan ng voyeurism ng kanyang asawang prosecutor kung hindi nga siya ang nasa video.
Itinanggi rin ng ginang na hindi aniya robbery ang paghatak niya sa kotseng BMW ng kanyang asawa dahil siya aniya ang bumli noon na ibinigay lamang niya dito.