HINDI kawalan sa Malakanyang kung hindi man dumalo si 2nd District of Cavite Congresswoman Lani Mercado sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III sa Hulyo 28, 2014.
Nauna nang ipinahayag ni Congresswoman Mercado na inaasahan na niyang ipagmamayabang o ipagmamalaki ni Pangulong Aquino sa SONA ang pag-aresto at pagpapakulong sa kanyang asawa na si Senador Ramon Revilla, Jr. na kinasuhan ng plunder at graft kaugnay ng P10 bilyon pork scam.
Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, karapatan ng bawat tao o ng bawat kinatawan ng Kongreso o senador na dumalo o hindi sa national event na ito.
‘It is a constitutionally mandated event and the President will deliver his State of the Nation Address regardless of reactions of some public officials who seemed to have been affected by the PDAF scam. That is a constitutional mandated event that the President is obligated to deliver,” ani Sec. Lacierda.
Sa ngayon, hindi pa napag-uusapan ang mga ihahayag ni Pangulong Aquino sa kanyang nalalapit na State Of the Nation Address (SONA).
Sinabi ni Sec. Lacierda na hindi pa napag-uusapan ang gagawing paghahanda sa nasabing mahalagang event ng bansa.
The post Presensya ni Lani sa SONA hindi mahalaga appeared first on Remate.