NILABAG ni Pangulong Aquino ang Konstitusyon matapos mabigo na magtalaga ng bagong mahistrado ng Sandiganbayan.
Sinabi ni dating Justice Secretary at 1-BAP Partylist Rep. Silvestre Bello III, na labag sa Saligang Batas ang hindi pagtatalaga ni Pangulong Aquino ng bagong mahistrado sa Sandiganbayan sa loob ng 90-day period.
Nakasaad sa konstitusyon na ang vacancy sa korte ay dapat punan sa loob ng 90 araw mula nang mabakante.
Binigyang diin ni Bello na kung nagsumite ng listahan ang Judicial bar Council (JBC) at nakaligtaan ni Pangulong Aquino na mag-appoint mula rito, ibig sabihin ay nilabag nito ang Section 9 Article 8 ng Konstitusyon.
Ngunit paglilinaw ni Bello na hindi ito maituturing na culpable violation na maaaring maging ground para sa impeachment.
Maaari naman aniya itong remedyuhan kung palalabasin na naantala lang o hindi agad napirmahan pero pasok pa rin sa 90-day period.
The post ‘Di pagtatalaga ng mahistrado sa Sandigan, labag sa batas appeared first on Remate.