NAIPASOK na ngayon sa PNP custodial center ang sumukong senador na sangkot sa P10b pork scam na si Bong Revilla, Jr.
Sa ulat, hindi na umano pinahihintulutan ang mga media sa naturang lugar kung saan naglagay na ng harang ang kapulisan sa headquarters ng PNP.
Mga kamag-anak, kaibigan at tagasuporta lamang ni Revilla ang pinahihintulutan na makapasok sa custodial center, na nakapwesto sa tila gymnasium o waiting area sa lugar.
Kabilang sa mga sumama kay Revilla ay ang asawa nitong si Congw. Lani Mercado, anak na sina Jolo at Ram Revilla, kapatid na si Marlon Bautista at ang matalik na kaibigan na si Philip Salvador.
May sinusulat pa raw umano si Congw. Lani sa isang lamesa na nasa waiting area.
Matatandaan kaninang alas-2:00 lamang dinala si Revilla sa custodial center.
Habang bumabiyahe ay kumakaway pa itong si Revilla sa mga tagasuporta na nagmamahal sa kanya.
Sa lugar, makikita rin ang isang tila bagong gawang selda na diumano’y paglalagakan ng iba pang sangkot sa scam.
Patuloy pang inaantabayanan ang mga kaganapan sa loob ng PNP custodial center.
The post Revilla nakakulong na sa PNP custodial center appeared first on Remate.