DINAGDAGAN ng Department of Education (DepEd) ang subsidy para sa mga estudyante sa private schools sa ilalim ng Government Assistance for Students and Teachers in Private Education (GASTPE) sa labas ng Metro Manila.
Lahat ng mga estudyante na saklaw ng programa ay tatanggap na ng P7,500 na subsidy per year mula sa P6,500 na subsidy sa nakalipas na taon.
Batay sa program ng GASTPE scheme, pagkakalooban ng financial assistance ang mga estudyante na nagnanais na makapag-aral sa mga private high schools.
Tinatayang nasa isang milyong mag-aaral mula grade 7 hanggang 10 para sa school year 2014-2015 ang makikinabang dito na mas mataas kumpara sa 800,000 estudyante noong isang taon.
The post Subsidiya sa mga nais sa private schools, dinagdagan ng DepEd appeared first on Remate.