Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Marijuana bilang gamot, tinutulan ng CBCP

$
0
0

MAHIGPIT ang pagtutol ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECH) Executive Secretary Father Dan Cansino sa panukalang gawing ligal ang marijuana sa Pilipinas.

Ani Cansino, nangangamba siya sa malaking panganib na idudulot ng legalisasyon naturang hakbang sa bansa.

Sinabi ng pari na nababahala siyang maabuso ito at magpapalala sa paggamit ng iligal na droga sa bansa.

Inaasahan din ng pari na ang pagtaas ng kaso ng krimen sa bansa kapag ginawang ligal ang paggamit ng marijuana bukod pa sa matinding epekto nito sa katawan at mentalidad ng tao.

Nilinaw ni Cansino na nakakagawa ng hindi mabuti ang isang tao kung apektado na ng droga ang mentalidad nito.

Kaugnay nito, nanawagan ang pari sa mga mambabatas na nagsusulong ng Compassionate Use of Medical Cannabis (marijuana) Act na pag-aralang mabuti ang panukalang batas.

“Legalization of marijuana can lead to a more dangerous activity. Ito nga na hindi pa ligal ay ina-abuse na what more kung ito ay na-legalized at ilagay sa market more abused can happen? At alam naman natin kapag ang marijuana ay ginagamit sa iba’t ibang klase may epekto ito sa katawan at mentalidad,” paliwanag ni Cansino.

Nanawagan din ang pari na tingnan muna ang iba pang mga alternatibo na maaring makalunas sa karamdaman na sinasabing nagagamot ng marijuana.

Paniwala ni Fr. Cansino, maraming alternatibong gamot ang maaring palakasin kaysa sa marijuana.

Pinuna din ng Pari ang umiiral na “yellow prescription” sa bansa na maaring magbigay-daan upang makabili o makagamit nito maski ang mga walang pangangailangang medikal.

Inaasahan na bago matapos ang buwang kasalukuyan ay maglalabas ng pormal na pahayag ang Episcopal Commission on Health Care ng CBCP kaugnay sa nasabing panukala.

The post Marijuana bilang gamot, tinutulan ng CBCP appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>