SUMIRIT na sa 337 ang mga namatay sa outbreak ng Ebola virus sa West Africa.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ito na ang pinakamalalang outbreak ng virus sa kasaysayan ng mundo.
Sa data ng WHO, umabot na sa 264 ang mga namatay sa Guinea, 49 sa Sierra Leone at 24 sa Liberia.
Higit 60-porsyento ang itinaas ng kaso simula sa huling monitoring ng WHO noong Hunyo 4.
Sa kabuuan, umaabot na sa 528 ang kumpirmadong kaso ng Ebola virus sa tatlong bansa kabilang ang mga namatay.
Pero ayon kay WHO spokeswoman Fadela Chaib, bagama’t tumaas ang mga kaso ng virus, hindi ito nangangahulugan na mabilis ang pagkalat ng sakit at may mga aksyon na para mapigilan ito.
The post Ebola outbreak sa Africa, 337 na ang patay appeared first on Remate.