PINAALALAHANAN kahapon ng Social Security System (SSS) ang lahat ng SSS pensioners na magtungo sa ahensiya sa buwan ng kanilang kapanganakan para sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) program para ma-validate ang kanilang eligibility para sa patuloy na pagtanggap ng kanilang pension.
Ang mga SSS pensioners ay maaari ding magtungo sa kanilang depository bank o sa pinakamalapit na SSS branch para magsumite ng ACOP form.
Ang mga pensioners na may sakit o walang kakayahan na magpunta sa alinmang SSS branch dahil sa karamdaman ay maaaring magpadala ng kanilang representatives dala ang kaukulang authorization.
Para sa mga SSS pensioners na nasa abroad, ang ACOP form at kopya ng dalawang valid IDs na iisyu ng host country ay ipadadala sa koreo sa SSS Members Assistance Center-ACOP counter sa Diliman, Quezon City.
Ang pensioner ay maaari ding mag-submit ng Certificate of Appearance na iiisyu ng Philippine Consulate para sa IDs.
Ang mga may katanungan ay maaaring tumawag sa SSS Call Center numero 920-6446 hanggang 55 o magpadala ng e-mail sa member_relations@sss.gov.ph
The post Pensioners patuloy ang pagtanggap ng pension — SSS appeared first on Remate.