Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

3 kritikal sa rambulan sa Malate

$
0
0

KRITIKAL ang lagay ng tatlong katao matapos saksakin at barilin ng nakalabang grupo nang magkasagutan habang nag-iinuman, kaninang madaling-araw sa Malate, Maynila.

Inoobserbahan ngayon sa Ospital ng Maynila ang biktimang sina Richard de la Passion, 19, ng 2242 F. Munoz St., Malate, Maynila, Jonathan Adres, 22, ng 1162 Arellano St., Malate, Maynila at Eduardo Ferreras, 36, ng 1171 Arellano St., Malate, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO2 Joseph Mortillo, ng Manila Police District-Police Station 9, pasado ala-1 nang maganap ang insidente sa panulukan ng San Isidro at F. Munoz St., Malate, Maynila.

Nag-ugat umano ang “rumble” matapos magkasagutan ang biktimang si Passion at ang suspek na si Melvin Pilapil, alyas Bilog na taga-1225 Gonzalo St., Malate, Maynila habang nag-iinuman hanggang sa saksakin ng huli ang una.

Lalo pang naglabo-labo nang magpaputok na ng baril ang kasama ni Pilapil dahilan para tamaan ang mga biktimang sina Adres at Ferreras.

Nang makitang tinamaan ang mga biktima ay nagpulasan na ang mga suspek habang isinugod naman sa OSMA ang mga biktima nang kanilang mga kamag-anak na sumugod sa pinangyarihan ng kaguluhan.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa motibo nang kaguluhan habang pinaghahanap ang mga suspek.

The post 3 kritikal sa rambulan sa Malate appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>