PINILI, LAOAG CITY – Patay ang isang construction worker matapos matabunan ng malalaking bato habang naghuhukay sa may public market sa bayan ng Pinili, sa nasabing lalawigan.
Kinilala ng local na police ang biktima na si Mark Bumanglag, 25, ng Barangay Lumbaan, Bicbina, sa nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naghuhukay umano ng lupa sa likod ng Pinili public market ng biglang gumuho ang mga bato mula sa lumang riprap na bahagi ng proyekto.
Halos pitpit ang ulo ng biktima at nakabaluktot ng mahukay nila ang katawan nito.
The post Kelot natabunan ng bato, tepok appeared first on Remate.