Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

4 patay sa leptospirosis mula Enero

$
0
0

INIHAYAG ng Department of Health (DoH) na nasa apat katao na ang naitalang patay sa sakit na leptospirosis mula  Enero 2014.

Ayon sa report, mula sa Iloilo ang tatlong nasawi habang nagmula naman sa Negros Occidental ang isa.

Ang Negros Occidental kabilang ang Bacolod City ang may pinakamaraming kaso ng leptospirosis na umabot sa 32.

Habang may nai-report na na kasong 21 sa Iloilo sa kaparehong panahon.

Mula Enero hanggang Mayo, nakapagtala ang Iloilo Provincial Health Office ng 14 kaso ng leptospirosis kung saan may isang namatay mula sa bayan ng San Miguel.

Maliban sa nabanggit na mga lugar, nakapagtala rin ng kaso ng sakit sa Sta. Barbara, Badiangan, Pototan, Carles, Duenas, Igbaras, Mina, Ne Lucena at San Miguel.

Samantala, sinabi ni Iloilo PHO Assistant Head Dr. Socorro Quinon na inaasahan pa nilang madaragdagan ang kaso ng naturang sakit ngayong panahon ng tag-ulan.

Pinayuhan naman ni Quinon ang publiko lalo na ang mga bata na umiwas sa paglusong sa baha dahil maaari itong nakontamina ng ihi ng daga at iba pang hayop.

Kabilang sa simtomas ng leptospirosis ay pananakit ng ulo, pananakit ng tiyan at paninilaw ng balat.

The post 4 patay sa leptospirosis mula Enero appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>