NAKATAKDANG tumulak uli si Pangulong Benigno Noynoy Aquino III sa Japan sa susunod na linggo para dumalo sa Peace Summit at makipagpulong kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Ang biyahe ay magiging panglimang pagtulak ng Pangulo sa Japan simula nang manungkulan bilang Pangulo noong June 2010.
Gayunman, isang araw lamang ang magiging pagbisita ng Pangulong Aquino, na aalis ito ng umaga at babalik din kinagabihan.
Posible ring mag-stop over ito sa Hiroshima depende sa magiging takbo ng schedule nito sa buong araw.
Sinabi naman ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, Jr. na wala pang official na pahayag hinggil sa nakatakdang biyahe ng Presidente kaya hintayin na lamang ang abiso mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).
The post PNoy tutulak uli patungong Japan appeared first on Remate.