PINUNA ng Bayan Muna ang tila kawalan ng silbi ni Food Security Czar Secretary Kiko Pangilinan sa Department of Agriculture (DA) dahil hindi napigilan nito ang pagtataas sa presyo ng bigas.
Banggit ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na panibagong dagdag na P2 bawat kilo ng bigas gayung kapapatong lamang ng halos P3 nitong nagdaang Marso lamang kahit nakapag-import ang National Food Authority (NFA) ng 800,000-metric tons (MT) ng bigas para sa July-September buffer stock.
Layunin ng maagang importasyon ay ang mapigilan ang pagtaas ng bigas sas gitna ng pagpasok ng tag-ulan.
“But why is this happening? Ang dami na ngang bigas pero taas pa din ng taas ang presyo nito? Hindi uubra na sabihing lean months ngayon dahil nag-import na nga ng bigas mula sa Vietnam at napakarami nito? Ganun din ang nangyayari sa bawang at sibuyas na napaka mahal na sa ngayon kahit tambak ang supply nito dahil sa importasyon? May hocus pocus na naman bang nangyayari at ang mga mamimili na naman ang lugi?” pagtatanong pa ni Colmenares.
Ang hamon ngayon ng Bayan Muna kay Pangilinan ay kagyat na tugunan ang karaingan ng mga magbubukid at mga mamimili.
Noong Pebrero ay ibinunyag ni dating Anakpawis partylist Rep. at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas chairperson Rafael Mariano na posibleng aabot sa mahigit P1 bilyon ang overprice sa importasyon ng bigas na nagtulak upang tumaas ng P3 ang bawat kilo ng bigas nitong nagdaang Marso.
Sinabi ni Mariano na “for the 500,000 metric tons rice imported from Vietnam for the December 2013-March 2014 buffer stock, the Philippines lost around P540 million due to overpricing. But, he added, that with the planned 1 million MT rice import, the total lost may reach P1.042 billion. There is overpricing regardless if the contract is Free on Board (FOB) or Cost, Insurance and Freight/Delivered Duty Unpaid (CIF/DDU).”
Tanong pa ni Colmenares na sino ang nakinabang sa lahat ng ipinatong sa importasyon ng bigas na siyang dagdag pasanin ng taumbayan.
Kinuwestyon din nito ang Malakanyang sa kawalan ng aksyon kahit nagrereklamo na ang publiko sa muling pagtaas sa presyo ng bigas.
Tinawag naman ni Anakpawis partylist Rep.Fernando Hicap na maituturing na isang economic sabotage ang mga nasa likod ng bilyong pisong lugi ng gobyerno dahil sa overpricing na importasyon na aniya’y dapat na managot.
The post Taas-presyo sa bigas pinaaaksyonan kay Sec. Kiko appeared first on Remate.