PATAY ang isang pulis habang sugatan ang kanyang misis matapos silang tambangan sa Tanauan, Batangas.
Dead-on-the-spot si PO2 Isratuto Bagsik, nakatalaga sa Regional Headquarters Support Group sa Camp Vicente Lim sa Laguna habang patuloy na nilalapatan ng luna sa C.P. Reyes Hospital ang kanyang misis na si Agnes.
Nabatid na maghahatid ng apat na anak sa eskwelahan ang mag-asawa sakay ng L-300 van nang tambangan ng dalawang suspek na sakay ng motor sa Barangay Santor, alas-6:30 ng umaga.
Masuwerte namang walang nadamay sa kanilang mga anak na nasa pangangalaga ngayon ng DSWD-Tanauan City.
Inaalam na ang motibo sa krimen.
The post Parak utas sa ambush sa Batangas appeared first on Remate.