ABO na lang ang natira sa bahay ng isang mag-asawa nang silaban iyon ng mister sa sobrang buwisit sa kanyang misis sa Lake Sebu, South Cotabato.
Ayon sa suspek na si Bartolome Calabayan, ng Barangay Luhib, nawala siya sa kanyang sarili kaya nagawa niyang sunugin ang kanilang bahay matapos silang mag-away ng kanyang misis sa hindi na niyang sinabing dahilan.
Nang maapula ang sunog ay saka lang nagsisi ang mister lalo at nakita niyang walang natira sa kanilang pinag-ipunan.
The post Nabuwisit kay misis, bahay sinilaban ni mister appeared first on Remate.