BIGO sa target na three-peat championship ang Miami Heat matapos silatin ng San Antonio Spurs sa Game 5 ng NBA Finals series kanina.
Bagong kampeon ng NBA ang San Antonio Spurs nang selyuhan ang best-of-seven finals series sa kartadang 4-1 na nagtapos sa iskor na 104-87.
Mula sa 47-40 na scoreboard sa unang dalawang kwarter, matagumpay na naungusan ng Spurs ang Heat sa second half ng laro.
Agad na naidistansya ng San Antonio ang lamang sa higit 10 puntos at nahirapan nang habulin pa ng Miami.
Tinanghal na Finals MVP si Kawhi Leonard, na nakapuntos ng 22 at 10 rebounds para sa Spurs.
Ito na ang ikalimang kampeonato ng Spurs mula 1999, 2003, 2005 at 2007, kung saan panglima na sana noong nakaraang taon ngunit nabigo sila.
Ang laban ng Spurs at Heat noong 2013 NBA Finals ang unang pagkatalo ng koponan ni coach Gregg Popovich sa finals.
Unang kumana ng 22-6 lead ang Heat sa simula ng laro ngunit eto na ang huling malaking kalamangan nila.
Nagdagdag din si Manu Ginobili ng 19 puntos upang makamit ang kampeonato.
The post Spurs 2014 NBA champion appeared first on Remate.