Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Voluntary repatriation sa Iraq idineklara ng DFA

$
0
0

DAHIL sa paglala ng kaguluhang politikal sa bansang Iraq na nauwi na sa pambobomba, itinaas na ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa crisis alert level 3 ang nasabing bansa.

Napag-alaman sa DFA na matapos nilang itaas sa alert level 3 ang nagaganap na crisis sa Iraq ay ipinatupad na rin nila ang voluntary repatriation sa mga Pilipino upang hindi na sila madamay sa nagaganap na kaguluhan.

Tiniyak naman ng DFA na sasagutin ng gobyerno ng Pilipinas ang gastos sa pagbabalik bansa ng mga Pinoy na magboboluntaryong lumikas ng Iraq.

Ayon sa DFA, lahat ng lugar sa Iraq ay sakop ng alert level 3 at bukod tanging ang Iraqi Kurdistan region lamang ang nananatiling kalmado ang sitwasyon kaya idineklara lamang itong nasa alert level 1 lamang precautionary phase.

Dagdag pa ng DFA, magpapadala rin sila ng “rapid response team” sa bansang Iraq upang maasistehan ang mga kababayan na maiipit sa nagaganap na kaguluhan doon.

Matatandaang nagsimula ang kaguluhan sa Iraq matapos lusubin ng mga Islamist militants kung saan nakubkob na ang ilang malalaking lungsod kabilang ang Tikrit na kilalang “hometown” ng dating lider na si Saddam Hussein.

Patuloy namang tututukan ng pamunuan ng DFA ang lahat ng kaganapang mangyayari sa Iraq.

The post Voluntary repatriation sa Iraq idineklara ng DFA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan