ILIGAL ang panukalang divorce hangga’t hindi naaamiyendahan ang Saligang Batas.
Ito ang tahasang sinabi ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas na pangunahing dahilan aniya hindi dapat ipasa ang kontrobersyal na Divorce Bill.
“As I opined in one of the hearings of a similar bill in the previous Congress, a Divorce Law could be easily challenged as unconstitutional,” ani Farinas.
Binanggit nito ang Article XV, Section 2 ng konstitusyon, na “Marriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State.”
Pangunahin aniyang obligasyon ng estado na maprotektahan ang kasagraduhan ng kasal.
Naunang sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na imposibleng maipasa ang kontrobersyal na divorce bill dahil tiyak na tututulan ito ng simbahan.
The post Divorce bill unconstitutional appeared first on Remate.