PATAY ang isang biyuda matapos mag-collapse sa kalsada habang naglalakad sa Valenzuela City, Biyernes ng hapon, Hunyo 13.
Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital si Anicia Habos, 68, ng San Miguel, Bulacan.
Sa ulat, alas-4 ng hapon, naglalakad ang biktima sa Pag-Asa St., Karuhatan ng lungsod nang mawalan ng malay at bumagsak sa kalsada.
Nakita naman ng saksing si Priscila Caca ang pangyayari na naging dahilan upang dalhin sa VGH kung saan binawian din ng buhay.
The post Biyuda nag-collapse sa kalsada patay appeared first on Remate.