KINATIGAN na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang Anti-Distracted Driving Bill o ang panukalang batas na nag kokontrol sa paggamit ng cellphone o ng iba pang entertainment gadgets habang nagmamaneho.
Layunin ng House Bill 4531 na mapababa ang bilang ng mga naaksidente sa kalye dahil sa paggamit ng mobile devices.
Kasama sa sakop nito ang mga sasakyan na gamit sa pagsasaka, construction equipment, bike, pedicab, at habal-habal.
Ang unang paglabag ay mayroong multa na P5,000 habang ang ikalawa at ikatlong paglabag naman ay may mula P10,000-P15,000.
Ang ika-apat na offense ay may multang P20,000 at ang pagtatanggal ng lisensya.
The post Anti-Distracted Driving Bill, kinatigan na sa Kamara appeared first on Remate.