PATULOY na magpapaulan sa Luzon kabilang ang Metro Manila ang umiiral na Southwest Monsoon o Habagat.
Sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Jori Loiz na kabilang sa mga uulanin ngayong Sabado ang mga isla ng Batanes, Calayan at Babuyan; mga rehiyon ng Ilocos at Cordillera; at mga lalawigan ng Zambales, Tarlac, Bataan, Pampanga at Bulacan.
Ang Metro Manila, Cagayan Valley at CALABARZON; at mga lalawigan ng Aurora, Nueva Ecija, Mindoro at Palawan naman ay magkakaroon ng paminsan-minsang mga pag-ulan.
Ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagya namang maulap hanggang sa maulap na may pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Samantala, ganap nang bagyo ang namataang sama ng panahon sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Sinabi pa ni Loiz, huli itong namataan sa layong 500 kilometro kanluran ng Basco, Batanes.
Maliit ang tsansang pumasok ito ng PAR pero posibleng makapagpaibayo sa Habagat.
Una rito lumakas pa ang low pressure area (LPA) na umiiral sa West Philippine Sea at isa na ngayong ganap na bagyo.
Ayon sa ulat ng PAGASA, taglay na ng bagong sama ng panahon ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras.
Pinalalakas umano ito ng hanging habagat at inaasahang magdudulot ng malalakas na pag-ulan na maaaring maging sanhi ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Huling namataan ang bagong bagyo sa layong 420 kilometro sa kanluran hilagang-kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
Pangunahing maaaring maapektuhan ay ang mga lugar na nasa kanlurang bahagi ng ating bansa, partikular na ang mga nasa Northern at Central Luzon.
Pero paglilinaw ng PAGASA, kahit tropical depression na ito ay hindi pa rin nila matatawag bilang bagyong Florita dahil nasa labas ito ng Philippine area of responsibility (PAR).
Pumasok ito ng PAR pero posibleng makapagpaibayo sa Habagat.
The post Luzon, MM magiging maulan sa Habagat appeared first on Remate.