MULING naghain ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China kaugnay pa rin ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (South China Sea).
Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose, inihain nila ang protesta noong isang linggo matapos makumpirma ang land reclamation activities ng mga Chinese sa Kennan Reef (Hughes Reef).
Magugunitang una nang pinalagan ng Pilipinas ang land reclamation partikular ang paggawa ng airstrip ng China sa Mabini Reef, pero ibinasura ito ng huli.
Sunod nito, kinumpirma ni Pangulong Aquino ang tungkol sa iba pang pagkilos ng China sa Cuarteron (Calderon) Reef at Gaven (Burgos) Reef.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, posibleng maghain din sila ng protesta laban dito.
Patuloy na isinusulong ng Pilipinas ang pagkilala sa international laws sa pagtatakda ng teritoryo, pero pinaninindigan naman ng China ang kanilang nine-dash line map.
The post Pilipinas, naghain ng diplomatic protest vs China appeared first on Remate.