MARIING ipinaalala ngayon ng Philippine National Police (PNP) na sa oras na makulong sa PNP Custodial Center, Camp Crame ang tatlong senador na sangkot sa scam ay mahigpit na ipagbabawal ang paggamit ng gadgets.
Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, tagapagsalita ng PNP, mahigpit nilang ipagbabawal sa bilangguan ang lahat ng uri ng gadgets gaya ng laptop, cellphones, ipods, atbp.
Ito ang tiniyak ni Sindac matapos i-raffle kahapon ng Sandiganbayan ang kaso kontra kina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.
Gayunman, hindi naman umano apektado ang trabaho ng mga senador dahil malaya pa rin sila sa kanilang ‘legislative works’ gaya ng paggawa ng panukalang batas, paglagda ng mga dokumento at pakikipagkita sa kanilang mga staff.
Sa ngayon, hinihintay na lamang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang ilalabas na warrant of arrest galing sa anti-graft court laban sa tatlong akusadong senador para sa pag-aresto sa mga ito.
The post Paggamit ng gadgets ng 3 senador sa piitan, ibinawal appeared first on Remate.