AGAWAN sa pang-anim na panalo ang defending champions San Mig Super Coffee Mixers at Talk ‘N Text Tropang Texters upang manatili sa liderato sa nagaganap na 2014 PLDT Home TelPad PBA Governors’ Cup sa MOA Arena sa Pasay.
Kapwa tangan ng Mixers at Tropang Texters ang 5-2 win-loss slate at paniguradong isa sa kanila ang aangat sa team standings pagsalpok nila mamayang alas-otso ng gabi.
May karta ring 5-2 ang Barangay Ginebra Gin Kings kaya posibleng makisalo rin sila sa unahan kung sakaling talunin nila ang Alaska Aces sa unang laban na magsisimula ng 5:45 ng hapon.
Hawak naman ng Aces na nasa pang-pitong puwesto ang 3-4 record kaya naman importante sa kanila ang panalo para mapalakas ang tsansang pumasok sa last eight.
Ayon kay Mixers coach Tim Cone, kailangan nilang malimitahan sa puntos ang mga shooters ng kalaban.
Habang si Tropang Texters coach Norman Black ay ang pigilan si Mixers reigning best import Marcus Blakely.
Samantala, sa panig ng crowd favorite Barangay Ginebra, muling sasandal si coach jeffrey Cariaso kina import ZMason at 7-foot-0 center na si Greg “Gregzilla” Slaughter.
Sa huling laro ng Gin Kings, kumana ng 30 puntos at 18 rebounds si Mason habang 19 points at 11 rebounds ang binakas ni Slaughter para talunin ang San Miguel Beermen, 105-98.
The post Mixers at Tropa agawan sa 6 wins appeared first on Remate.