HINIMOK ng Independent Minority bloc ang Department of Justice (DoJ) na madaliin ang imbestigasyon sa mga kaalyado ni Pangulong Aquino na idinadawit sa P10 bilyong pork barrel scam.
Ayon kay House independent minority bloc leader and Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, hindi dapat huminto ang DoJ sa pagsisiyasat ukol sa anomalyang ito dahil nakasuhan na ang mga pangunahing kritiko ng adminsitrasyon na sina senador Juan Ponce-Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
Sinuportahan ni Romualdez ang obserbasyon ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ukol sa masistemang paghahain ng kaso sa mga kritiko ni Pangulong Aquino.
Magugunitang ang Ombudsman ay naghain ng magkahiwalay na kasong plunder at graft laban sa tatlong senador.
Samantala, kinumpirma ni Sandiganbayan Executive Clerk of Court Renato Bocar na tuloy ang raffle ng Sandiganbayan ngayong araw kaugnay ng kasong plunder na kinakaharap nina Enrile, Estrada, Revilla Jr., at Janet Lim-Napoles.
The post Imbestigasyon sa mga kaalyado ni PNoy sa PDAF scam madaliin appeared first on Remate.