Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kelot pisak sa banggaan ng van at kotse

$
0
0

NAMATAY ang driver ng isang kotse matapos makabangga ang isang closed delivery van sa C5, Taguig malapit sa Market! Market! kaninang madaling-araw.

Kinumpirma ng tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) Rescue team na binawian ng buhay ang driver ng Nissan Sentra bagama’t naisugod pa sa Ospital ng Makati (OsMak).

Sa inisyal na imbestigasyon, ang insidente ay naganap alas-5:00 Biyernes ng madaling-araw.

Nabatid na nasa inner lane ng C5 southbound ang dalawang sasakyan nang bumuntot ang kotseng may plakang ZTX 925 sa van nang bumangga sa hindi pa mabatid na dahilan.

Wasak ang harapan ng kotse at hinihinalang nabagok ang ulo ng driver sa windshield.

Sugatan naman ang driver ng van na nagtamo ng malaking sugat sa kaliwang bahagi ng noo.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.

The post Kelot pisak sa banggaan ng van at kotse appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>