GANAP na alas 7:20 ngayong gabi nang pormal na isara ng Kamara ang first regular session ng 16th Congress sa pangunguna ni House Speaker Feliciano Belmonte.
Ngunit bago ito tinapos ay pansamantalang nag-preside si Minority Leader Ronaldo Zamora na siyang nakaugalian na tuwing sumasapit ang sine die adjournment ng Kamara.
Pinasalamatan ni Zamora ang liderato ng Kamara dahil naging “civil” aniya ang mayorya sa pakikitungo sa minorya.
Sa kanyang closing speech ay ipinagmalaki ni Belmonte ang may 212 House national bills na ipinasa ng Kamara.
Sa huling araw ng sesyon ay ginawaran din ng pagkilala ng Kamara ang figure skater na si Michael Martinez na sinamahan ng kaniyang ina.
Pinasalamatan din nito ang mga kongresista dahil sa pakikipagkaisa sa liderato ng Kamara hindi lamang ang nasa mayorya kungdi maging ang mga nasa minorya.
The post Sesyon ng Kamara adjourned na appeared first on Remate.