KINUMPIRMA ni Justice Sec. Leila de Lima sa Senado na handa na ang Department of Justice (DOJ) na isampa sa Ombudsman ikatlong batch ng mga isinasangkot sa pork barrel scam.
Ilang minuto bago isalang sa pagdinig ng Commission on Appoint nitong Miyerkoles ng umaga, sinabi nito na posibleng sa darating na Biyernes o sa isang linggo niya gagawin ang pagsasampa ng kaso sa karagdagang mga mambabatas at iba pang opisyal ng pamahalaan.
Itinanggi naman ng kalihim na magbigay ng karagdagang detalye kaugnay sa sinasabing 3rd batch ng mga kakasuhan.
“It would involve several lawmakers and the number of respondents was a little more than the first and second batches,” ani de Lima.
The post 3rd batch ng kakasuhan sa PDAF scam handa na – de Lima appeared first on Remate.