NAGBITIW na bilang chief regulator ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) si Emmanuel Caparas.
Epektibo ang resignation nito sa Hunyo 30, at sa kaparehong petsa rin iaanunsyo kung sino ang papalit sa kanya.
Ganoon pa man, mananatiling miyembro ng MWSS Board si Caparas.
Sa pag-alis, umaasa naman ang opisyal na maisasapinal na ang iniutos na pagbaba ng singil sa tubig na kinukwestyon ng Manila Water at Maynilad.
Nais ni Caparas na magkaroon ng desisyon sa arbitration bago matapos ang 2014.
The post MWSS chief regulator Caparas nagbitiw appeared first on Remate.