SA BIYERNES na, June 13, ang raffle ng Sandiganbayan kaugnay ng kasong plunder na kinakaharap nina Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Ramon Bong Revilla Jr., at Janet Lim Napoles.
Ipinahayag ni Sandiganbayan Executive Clerk of Court Renato Bocar na binigyan sila ng direktiba ng Korte Suprema upang ituloy ang raffle ng mga kaso sa Biyernes.
“SC directed Sandiganbayan to proceed with the regular raffle of the plunder cases and other PDAF (Priority Development Assistance Fund) cases,” sinabi pa ni Bocar.
Sumulat aniya ang Ombudsman sa Korte Suprema upang imungkahi ang paglikha sa dalawang special court na lilitis ng mga kasong may kaugnayan sa pork barrel scam.
Ang dibisyon na pupuntahan ng kaso ang dibisyon na maglalabas ng arrest warrant laban sa mga akusado.
Ang kasong plunder ay non-bailable offense.
The post Raffle sa plunder case ng 3 senador sa Biyernes na appeared first on Remate.