Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Terminal fee sa NAIA isasama na sa airline ticket

$
0
0

SIMULA sa Oktubre 2014 ay isasama na sa airline ticket ang sinisingil na terminal fee ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga mag-a-abroad na pasahero.

Ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC), pinagkasunduan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at mga international air carrier na isama na ang international passenger service charge (IPSC) sa bibilhing airline ticket, binili man ito online, sa ticketing office o sa travel agency.

Bunsod nito,  maiiwasan nang maaksaya ang oras ng mga pasahero para pumila sa pagbabayad ng terminal fee.

Mapapaluwag din nito ang airport dahil tatanggalin na ang mga counter na naniningil ng terminal fee.

Bagama’t magsisimula na ito sa Oktubre, may isang taon pa itong transition period na magtatapos sa Setyembre 2015. Maipapatupad ito ng tuluyan sa Oktubre 2015.

The post Terminal fee sa NAIA isasama na sa airline ticket appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>