MAY napipisil na ang palasyo bilang bagong administrator ng National Food Authority (NFA) matapos na magbitiw si Orlan Calayag.
Ipinahiwatig ito ni Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization Secretary Francis “Kiko” Pangilinan sa panayam ng mga mamamahayag.
Ani Pangilinan sa katanungan hinggil sa pagbabantay ng suplay ng NFA rice sa bansa “Kasama po ang magiging in coming na administrador dahil nag-resign na nga po si Administrator Calayag”.
Ganoon pa man ay hindi pa pinangalanan ni “Kiko” kung sino ang posibleng ipalit kay Calayag.
Pinabulaanan naman ng food security czar na mula sa probinsya ng Quezon ang napipisil na kapalit ni Calayag.
Nitong nagdaang Mayo 8 nang maghain ng courtesy resignation si Calayag sa tanggapan nina Executive Secretary Paquito Ochoa, ilang araw lamang matapos na inilipat sa pangangasiwa ni Pangilinan ang apat na ahensya ng Department of Agriculture (DA) kabilang ang NFA.
The post Nag-resign na NFA administrator may kapalit na appeared first on Remate.