LUSOT na sa committee level ng Commission on Appointment (CA) si Environment Sec. Ramon Paje matapos ang ilang taon na pagsalang sa mga pagdinig ng komite.
Samantala, wala na ring nagawa si Sen. Serge Osmena na pangunahing mambabatas na tutol sa kumpirmasyon ni Paje.
“Outvoted na ako eh, buo ’yung House (of Representatives) eh. Ako lang mag-isa,” pag-amin ng solon.
Para kay Osmeña, hindi dapat na ma-confirm si Paje dahil maraming isyu na nahihirapan itong ipaglaban.
“Well, there are many issues. And it’s mostly nahihirapan siyang mag-prevent, you know naman, matagal na itong mga kalokohang ito — mga illegal mining, black sand minding, illegal quarrying, etc. That’s my opinion,” giit pa ng beteranong solon.
Iginiit pa ni Osmeña na kulang sa ‘competence’ si Paje pagdating sa trabaho nito.
Si Paje kasama si Social Welfare Sec. Dinky Soliman ay isasalang sa plenaryo sa Miyerkules, huling araw ng sesyon bago mag-sine die para sa kanilang kumpirmasyon.
The post Paje lusot sa CA, pagtutol ni Osmena ‘di umubra appeared first on Remate.