BAGYO ang kasabay ng pagsimula ng panahon ng tag-ulan makaraang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kaninang umaga.
Ang bagyong Ester ay ang tropical depression na namataang Low Pressure Area (LPA) sa Batanes kamakailan.
Huling namataan si “Ester” sa layong 200 kilometro hilaga hilagang-silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at kumikilos pa-hilagang-silangan sa bilis na 22 kph.
Nakataas pa rin ang signal no. 1 sa mga isla ng Batanes.
Ngayong buwan, dalawa hanggang tatlong bagyo ang posibleng pumasok sa PAR.
The post Umpisa ng tag-ulan sinabayan ng bagyo appeared first on Remate.