DAPAT panagutin ang mga nasa likod ng manipulasyon sa presyo ng bawang kung hindi makatwiran ang pagtaas dahil sa pananamantala.
Maraming negosyante at mamimili ang sumisigaw sa labis na presyo ng bawang na umaabot mula P180 sa lokal na bawang at P290 kada kilo sa imported.
Dahil dito, umapela si Sen. Cynthia Villar sa lahat ng kaukulang ahensiya ng pamahalaan na busisiin ang sobrang taas ng bawang at malaman ang mga dahilan nito.
Hindi aniya dapat na payagan ang ganitong gawi. “There should be some effective control measures and monitoring system,” aniya.
Isinasagawa ng senador ang public hearing sa iba’t-ibang lugar na dinadaluhan ng magsasaka at stakeholders sa industriya ng bawang upang matiyak ang sapat na supply nito sa rasonableng presyo.
Una nang sinabi ni Villar, chairman, Senate Committee on agriculture na nagbibigay ang pamahalaan ng lahat ng uri ng tulong sa industriya ng bawang para madagdagan ang kita ng magsasaka at stakeholders.
The post Manipulasyon sa presyo ng bawang bubusisiin appeared first on Remate.