KUMPIYANSA ang Malakanyang na makapagtatala ang Pilipinas ng mataas na gross domestic product (GDP) sa huling bahagi ng taon bunsod na rin ng pagbaba ng unemployment rate sa second quarter ng taon.
“We share the optimism that these positive indicators bode well for a higher GDP growth rate in the succeeding quarters,” ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr.
Sa ulat ng National Economic Development Authority (NEDA), ang bumaba ang unemployment rate ng 7 porsyento nitong Abril 2014 mula sa 7.6 percent ng kahalintulad na buwan noong nakaraang taon.
Sinasabing nag-improve ang underemployment ng 18.2 percent mula sa 19.2 percent ng kaparehong buwan.
“This growth has brought about a total of 1.7 million additional employed persons. According to NEDA Secretary (Arsenio) Balisacan, the improvement in employment is broad-based, covering agriculture, industry, and the services sectors,” ayon kay Sec. Coloma.
Ang GDP ng Pilipinas para sa first quarter ng taon ay 5.7 percent.
The post Malakanyang kumpiyansang sisipa pataas ang GDP appeared first on Remate.