MAKIKIPAGTAGISAN ng galing si NBA superstar Kevin Love sa mga shooters ng PBA sa three-point shootout sa Master Game Face All-Star Basketball Challenge sa susunod na linggo sa Araneta Coliseum.
Isang kapana-panabik na laro ang matutunghayan sa pagitan ng pambato ng Pinas at ni 2012 NBA three-point king na sidelight event sa laban ng koponan na binuo ni Rain or Shine guard Chris Tiu at SMC Mixers Marc Pingris sa June 21 sa Big Dome.
Sa pagbisita ni Minnesota Timberwolves forward, ibabahagi niya rin ang kanyang galing sa isang basketball clinic sa Manila Boystown sa Marikina City at pangungunahan rin niya ang isang charity auction sa Makati Shangri-La Hotel.
Nitong nakalipas na NBA season, si Love ay may average na 26.1 puntos, 4.4 assists at 12.5 boards at naging kauna-unahang manlalaro na nakapagtala ng 2,000 puntos, 900 boards at 100 three-pointers sa loob ng isang season lamang.
“We are thrilled to welcome to the country three-time NBA All-Star player Kevin Love. The Master Game Face All-Star Basketball Challenge is the perfect venue for this fast-rising NBA superstar dubbed by the Associated Press as the new face of the Timberwolves franchise, to showcase his signature moves and three-point shooting, as he puts his Master game face on against some of our best local players,” ani Unilever male grooming senior brand manager Jonathan Pua.
Kabilang sa binuong koponan ni Tiu ay sina collegiate players Jeron Teng, Chris Newsome, Kevin Ferrer, Mike Tolomia, Rome Dela Rosa, Mark Cruz at Zach Nocholls, kasama sina PBA pros Ranidel de Ocampo, Jeff Chan, Mike Cortez, Jimmy Alapag, Cliff Hodge at Alex Nuyles.
Habang sa koponan ni Pingris ay sina collegiate standouts Andre Paras, Jeoffrey Javillonar, Jericho Cruz, Roi Sumang, Baser Amer, Kevin Racal at Josan Nimes, kasama sina PBA stars Gary David, Mark Barroca, Larry Fonacier, Jeric Teng, Jared Dillinger at Paul Artadi.
Mabibili ang ticket ng Master Game Face All-Star Basketball Challege sa Ticketnet outlets, o ‘di kaya’y via online www.ticketnet.com.ph
The post Kevin Love, sasabak sa shootout vs PBA’s best appeared first on Remate.