UMABOT sa round three ang ‘word war’ nina Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano at COMELEC Chairman Sixto Brillantes sa pagdinig ng Senate committee on electoral reforms.
Si Sen. Koko Pimentel ang nag-referee sa sagutan ng dalawang opisyal ng pamahalaan kaugnay sa privilege speech ni Sen. Grace Poe ukol sa anibersaryo ng Hello Garci scandal.
Ibinunyag ni Cayetano na hanggang sa kasalukuyan buhat ng maupo si Brillantes sa komisyon, wala ni isang sangkot sa kontrobersyal na Hello Garci tapes ang nakasuhan bagkus ang mga ito ay nabigyan pa ng bagong mga puwesto o promoted sa ilalim ng administrasyon ni Brillantes.
Ipinagtataka ng senador na sa kabila ng si Brillantes ang abogado ng yumaong Action Star at presidential candidate na si Fernando Poe, Jr., na sinasabing nanalo noong 2004 Presidential election, wala itong nagawa para maipagkaloob ang hustisya sa kanyang kliyente.
The post ‘Word war’ nina Cayetano at Brillantes umabot sa round 3 appeared first on Remate.