MALAKI ang posibilidad na ilabas na ng Korte Suprema ang desisyon kaugnay sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) ngayong araw.
Ayon sa Public Information Office ng Supreme Court (SC), posibleng ilagay sa agenda ng mga mahistrado sa kanilang en banc session ang DAP at maaari na itong pagbotohan makaraang sumailalim sa serye ng oral argument.
Submitted na rin for resolusyon ang DAP dahil nakapagsumite na ng kanilang memoranda ang petitioners maging ang respondents sa usapin.
Nilinaw ni Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng Korte Suprema, mauudlot lamang ang pagpapalabas ng desisyon sa usapin sakaling ipahayag ng ilang mga mahistrado na pag-iisipan nila ang nasabing isyu.
The post DAP dedesisyonan ngayong araw ng SC appeared first on Remate.