PINAIIMBESTIGAHAN na ng Department of Justice (DoJ) ang posibleng kinalaman ni Cedric Lee sa pagkalat ng Hayden-Katrina sex video.
Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na kanya nang inatasan ang NBI na mag-imbestiga sa pag-upload sa Internet ng sex video nina Hayden Kho at Katrina Halili.
Sinabi ni NBI Cybercrime Division chief Ronaldo Aguto na gagamitin nila sa imbestigasyon ang audio recording na isinumite ng ina ni Hayden na si Irene Kho.
Ang audio recording ay tungkol sa meeting nina Hayden, Mrs. Kho at grupo na may kaugnayan kay Lee.
Ayon kay Hayden, bago kumalat ang kanilang sex video ni Halili, hinihingan siya ng grupo ni Lee ng P4 million dahil kung hindi magbabayad, lalabas ang video.
Ipinaalam din ito ni Hayden sa abogado ni Halili na si Atty. Raymund Palad na hiniling na rin sa DoJ na imbestigahan ang negosyante.
Samantala, umalma naman ang kampo ni Lee sa pagdawit sa kanya sa panibagong iskandalo.
Ayon sa abogado ni Lee na si Atty. Howard Calleja, wala siyang alam sa isyu pero kung totoo ito, nagpapakita lang na bias ang DoJ sa kanyang kliyente.
The post Hayden-Katrina sex video vs Cedric Lee kumakalat na naman appeared first on Remate.