MAGSASAMPA ng kasong rape ang isang dalaga sa kanyang kainuman na nagsamantala sa kanyang kahinaan sa San Narciso, Quezon.
Batay sa pahayag ng 30-anyos na dalaga, nag-inuman sila ng suspek kasama ang ilang mga kaibigan sa kanilang bahay.
Ngunit dahil sa labis na kalasingan, hindi na namalayan pa ng biktimang nakatulog na siya.
Nang magising, dito na lang niya nadiskubreng hinalay siya ng ‘di pa pinangalanang suspek na agad namang tumakas matapos ang pangyayari.
Isinailalim naman ang biktima sa eksaminasyon habang inihahanda ang kasong isasampa sa suspek.
The post Bebot pinulutan ng kainuman sa Quezon appeared first on Remate.