DATING Senate employee ang lalaking may sayad na tumalon sa ilog at patay nang lumutang kahapon ng umaga sa Muelle de la Industria, Binondo, Maynila.
Ito ay matapos positibong kilalanin ni Barbara Vargas, 50, ng Sta. Bernadita St., Tondo, Maynila ang biktima na kanyang bayaw na si Rey Vargas, 43, dating empleyado sa Senado sa tanggapan ni dating Senador Loi Ejercito.
Ayon kay Barbara, matalinong bata ang biktima subalit nang mawalan ng trabaho at iniwan ng asawa ay nagkaroon ng diperensya sa pag-iisip.
Nabatid na alas-6:30 ng umaga kahapon nang itawag sa tanggapan ng MPD-HS, ang bangkay sa naturang ilog.
Nabatid na dalawang beses na ring dinala sa National Mental Health ang biktima.
The post Kelot na tumalon sa ilog, Senate employee appeared first on Remate.