INUGA ng magnitude 4.2 na lindol ang Anini-y, Antique, ngayong Martes ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), alas-5:45 ng umaga nang maitala ang sentro ng lindol sa layong 27 kilometro timog-silangan ng Anini- y.
Naitala ang tectonic na lindol sa lalim na walong kilometro.
Nadama naman ang intensity 3 na pagyanig sa San Jose, Antique at sa Iloilo City.
Walang inaasahang pinsala dahil sa lindol subalit posible itong magdulot ng aftershocks.
The post Antique inuga ng magnitude 4.2 na lindol appeared first on Remate.