NASAMSAM ng mga awtoridad ang aabot sa P1 milyong halaga ng shabu mula sa isang drug trafficker sa Echague, Isabela.
Batay sa impormasyon ng awtoridad, nakuha ang 175 gramo shabu sa isinagawang buy-bust operation sa isang hotel malapit sa Isabela State University sa Barangay Soyung.
Ayon kay Pol. Sir. Insp. Melchor Ariola, hepe ng Echague Police, nakumpiska sa suspek na si Lourdes Balagod, 33, ng San Andres, Santiago City ang 35 piraso ng sachet ng shabu.
Nakuha rin sa kanya ang P10,000 marked money na ibinayad ng nagpanggap na buyer ng ilegal na droga.
Ayon kay Ariola, posibleng target ng pusher ang mga estudyante sa lugar.
The post P1-M shabu, nakuha sa hotel sa Isabela appeared first on Remate.