NAGBABALA ngayon ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa gobyerno kaugnay ng selective justice sa isyu ng PDAF scam.
Sinabi ni CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas na hindi dapat pinipili ang paparusahan, kahit pa pinupuri nila ang ginawang paghabol ng gobyerno sa mga tiwaling opisyal.
Ayon kay Villegas, lahat ng mga sangkot ay dapat imbestigahan at makasuhan kahit anumang partido sila nakaalyansa.
Hindi matatawag na hustisya kung pinipili lamang ang binibigyan nito.
Inihirit pa ni Villegas ang pag-respeto ng mga naatasang mag-prosecute sa karapatang pantao ng mga akusado.
The post CBCP nagbabala vs selective justice appeared first on Remate.