UMAABOT sa P300 million ang ibinayad na ransom ng pamilya ng dinukot na Chinese tourist sa Sabah, Malaysia para sa kalayaan nila ng Pinay mula sa kamay ng Abu Sayyaf Group (ASG).
Giit ni Marcelita Dayawan, hindi siya naniniwala na walang ransom na ibinigay dahil ito ang paulit-ulit na demand ng kanilang abductors bago siya pinalaya kasama ang Chinese tourist na si Gao Hua Yan.
Naging translator si Dayawan sa negosasyon at P300 million ang napagkasunduan ng magkabilang panig.
Matatandaang iginiit ng Pilipinas at Malaysia na walang ibinayad na ransom sa paglaya ng nabanggit na mga bihag.
The post P300M kapalit ng kalayaan ng Pinay na dinukot sa Sabah appeared first on Remate.