INALERTO ngayon ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko kaugnay sa nagkalat na Bangkok pills na ibinebenta sa internet.
Ayon sa FDA, ang pills na inaalok sa P500 hanggang P2,000 ay hindi nakarehistro sa kanilang tanggapan.
Sa isang advisory, nagbabala ang FDA na ang Bangkok pills na naka-advertise ay mayroong “suppressing appetite” at “diuretic effect” na napapadalas ang pag-ihi at pagpapawis ng mga umiinom nito.
Sa pagsusuri, natuklasan pa na ang bangkok pills ay nagdudulot ng hallucination, paranoia, insomia, respiratory problems, hypertension, kidney failure at kamatayan kaya’t nananawagan ang FDA sa publiko na isuplong agad sa kanilang tanggapan ang mga establisimyentong nagbebenta nito.
The post Publiko inalerto vs bangkok pills appeared first on Remate.