BINUBUSISI na ng Department of Agriculture (DA) ang dahilan ng biglang pagtaas ng presyo ng bawang.
Ang presyo ng bawang ay sumipa sa P280 kada kilo sa Metro Manila na kasing mahal na rin ng mga imported na bawang na nasa P290 hanggang P350 ang kilo.
Ayon kay Agriculture Agribusiness and Marketing Assistance Director Leandreo Gazmin, posibleng ang malamig na panahon mula noong Disyembre hanggang Pebrero ang dahilan ng pagmahal ng bawang o di kaya ay dahil sa suplay nito.
Gayunman, hindi iniaalis ng DA ang posibilidad na may manipulasyong nagaganap sa presyo ng bawang, ito ay dahil sa hindi naman dapat magmahal ang presyo ng lokal na bawang dahil ang mga imported na bawang ang talagang nagtataas ng presyo.
The post Taas-presyo sa bawang binubusisi na appeared first on Remate.