IPINATUPAD ng kompanya ng langis ang kaltas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong araw, Lunes, Hunyo 9.
Nag-rollback sa produktong petrolyo ang PTT, Shell at Petron simula alas-12:01 ng madaling-araw kanina.
Ang PTT Philippines, P1.10 rollback ang bawas-presyo sa diesel at P0.90 naman sa kada litro ng gasolina.
Habang ang Shell at Petron ay magtatapyas ng P0.90 sa gasolina; P0.70 sa kerosene at P1.10 sa kada litro ng diesel.
Nag-rollback din ang Phoenix Petroleum at Total Philippines alas-6:00 Lunes ng umaga, P1.10 sa diesel at P0.90 sa gasolina.
Una nang nagpatupad ng rollback ang Unioil at Flying V nitong Linggo, Hunyo 8. Ito ay batay sa dikta sa presyuhan sa wolrd market.
The post P1 rollback sa diesel, ikinasa ngayong araw appeared first on Remate.