KRITIKAL ang isang mister makaraang tarakan ng saksak sa leeg habang maga naman ang mukha ng kanyang misis matapos sapakin sa mukha ng kanilang pinagkakautangan sa Malabon City.
Nakaratay at ginagamot sa Philippine General Hospital (PGH) si Joey Alvarez, 36, may tama ng saksak sa leeg at mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang inoobserbahan din sa nasabing ospital ang asawa nitong si Mary Grace Ladrero, 34, kapwa ng #333 Gov. Pascual Avenue, Bgy. Catmon, nasabing lungsod sanhi ng malakas na suntok sa panga.
Agad namang nadakip ang suspek na si Marvin dela Cruz, 25, ng Sanciangco St., nasabing barangay
Sa ulat, alas- 7:00 kagabi nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng mga biktima sa nasabing barangay.
Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima sa ilang kapitbahay nang dumating ang suspek at pilit na sinisingil si Alvarez ng utang na matagal nang hindi nababayaran.
Dahil sa pagkapahiya sa kanyang mga kainuman ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo na humantong pa sa suntukan.
Dito na bumunot ng patalim ang suspek at tinarakan si Alvarez sa leeg at nang umawat ang misis nito ay sinapak naman siya ng salarin.
The post Di nagbayad ng utang, mister tinarakan, misis sinapak sa mukha appeared first on Remate.